-- Advertisements --

Plano ng National Capital Region Police Office o NCRPO na pansamantalang hindi higpitan ang mga kapulisan na kaniyang nasasakupan ngayong panahon ng tag-init.

Sinabi ni NCRPO Director, P/MGen. Edgar Allan Okubo na nais nilang magsuot ng manipis na uniporme ang mga kapulisan para magampanan pa rin nila ang kanilang trabaho.

Mayroon kasing pagkakataon noon na niluwagan ng PNP ang pagsusuot ng uniporme ng PNP para maging komportable ang kanilang pakiramdam at malayo sa anumang sakit dulot ng matinding tag-init.

Sa ngayon aniya ay ipaparating nito ang kaniyang suhestiyon kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr.