-- Advertisements --

Aprubado na ng Malacanang ang promosyon ni NCRPO chief C/Supt Guillermo Eleazar patungo sa ranggong police director, o katumbas ng major general sa militar.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng NAPOLCOM para sa promosyon ni Eleazar na nilagdaan ni DILG Sec Eduardo Año noong July 23.

Ang approval ng Malacanang na may petsang August 16, ay ipinadala na sa tanggapan ni Año.

Si Eleazar ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987.

Bago siya itinalagang NCRPO director, nanungkulan si Eleazar ng dalawang buwan bilang director ng PRO 4-A o Calabarzon, pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang QCPD director.