-- Advertisements --
NCRPO Chief, PMGen. Guillermo Eleazar

Hinimok ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Guillermo Eleazar ang mga kapulisan dito sa kalakhang Maynila na lumahok sa “Absentee Voting” na magsisimula bukas April 29 hanggang May 1,2019.
Sinabi ni Eleazar na karamihan sa mga kapulisan ay nakakalimutan na ang kanilang karapatan na bumuto sa tuwing halalan.
Ito ay dahil sa abala ang mga ito sa pagpapanatili ng seguridad.
Ayon sa heneral, tini-take advantage ng PNP ang absentee voting para makaboto ang mga pulis.
” I exhort all policemen to vote and vote wisely,” pahayag ni Eleazar.
Tiniyak naman ni Eleazar, in placed na ang kanilang security measures para siguraduhin na maging maayos at mapayapa ang 2019 midterm elections.
Ayon kay Eleazar, asahan na rin ng publiko na patuloy na ipapatupad ng NCRPO ang gun ban, mas palalakasin ang checkpoint operations sa Metropolis para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga kriminal na gawin ang kanilang mga criminal activities.
Aniya, nasa 15,000 police personnel ang kanilang idedeploy sa Metro Manila sa halalan para matiyak ang peace and order.