-- Advertisements --

Mariing Itinanggi ni NCRPO chief Police Director Guillermo Eleazar na planted ang mga nakumspiskang armas ng mga autoridad sa naarestong NDF consultan na si Vicente Ladlad.

Ito ang binigyang diin ni Eleazar matapos na iprisinta sa media ang mga armas na nakumpiska kay ladlad at sa dalawa pang kasamahan nito matapos silbihan ng search warrant sa kanilang safehouse sa Novaliches, Quezon City kaninang madaling araw.

Unang ipinagpilitan ng asawa ni Vic ladlad na si Mrs. Fides Ladlad, sa sumugod sa NCRPO matapos mabalitaan ang pagkaaresto ng kanyang asawa, na planted lang ang mga armas.

Paliwanag ni Eleazar, bago isinagawa ang search sa safehouse kung saan nakuha ang mga armas ay tinawag ng PNP ang mga lider ng barangay at maging ang pangulo ng homeowner’s association para tumestigo.

Requirement aniya ng batas na may mga saksi ang pagpapatupad ng search upang maiwasan ang anumang pagdududa na planted ang ebidensya.