-- Advertisements --

Pinangalanan na ng Malacanang na si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ang susunod na PNP chief na papalit sa pwesto PNP chief Camilo Pancratius Cascolan na magre-retiro na sa serbisyo, bukas, November 10,2020.


Si Sinas ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1987, mistah nina Lt Gen. Guillermo Eleazar at Lt..Gen. Cesar Hawthorne Binag.

Habang si Cascolan naman ang ika-apat na miyembro ng PMA Class 1986 na itinalagang PNP chief.

Bukas, nakatakdang mag-assume sa pwesto si Sinas.

Sa kabilang dako, naghahanda na ngayon ang Philippine National Police (PNP) para sa retirement honors at Change of Command bukas.

Sa panayam kay Cascolan dito sa kampo Crame, kaniyang sinabi na may pulong na isinasagawa ngayon ang mga matataas na opisyal ng PNP para pag-usapan ang mga gagawing paghahanda sa pagreretiro niya sa serbisyo bukas.

Sinabi ni Cascolan nakahanda na rin siya bumaba sa pwesto at ipinagmalaki ang mga nagawang accomplishment sa PNP.

Nag-assume sa pwesto si Cascolan nuong September 2, matapos magretiro sa serbisyo si dating PNP Chief PGen. Camilo Cascolan.

Sa loob ng dalawang buwan sa pwesto, kabilag sa ipinatupad nito ang decongestion sa kampo Crame kung saan inilipat ng opisina at binigyan ng responsibilidad gaya ng paglaban sa insurgency at pagtutok sa water search and rescue ang Directorate for Integrated Police Operation (DIPO).

At ang localization program kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga pulis na magpa transfer ng assignment sa kani-kanilang bayan upang itaas ang morale ng mga ito at mapigilan ang korupsiyon.