-- Advertisements --

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Debold Sinas ang pamamahagi ng surgical gloves at face masks sa mga pulis, partikular ang mga nasa frontline.

Nasa 800 pirasong N95 face masks at dalawang galon ng alcohol ang ipinamahagi ni Sinas sa mga sa frontline na siyang magmamando sa mga control points sa buong Metro Manila.

Nasa 400 piraso namang surgical gloves at facemasks ang ibinigay ng Office of the Directorate for Operations (ODO) sa NCRPO bilang dagdag sa kanilang protective equipment laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Una nang sinabi ni Sinas, mahalaga na may mga protective equipment ang mga pulis nang sa gayon ay maiwasan na mahawa sa nakakamatay na virus ng COVID-19.

Ngayong suspendido na ang mass transportation, hihigpitan na ng PNP ang kanilang pagbabantay lalo na sa mga borders ng Metro Manila.