Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief BGen. Vicente Danao Jr., ang dalawang araw na online Gender and Development (GAD) and Gender Sensitivity Training (GST) webinar na dinaluhan ng nasa 100 mga participants.
Ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapanindigan ang gender equality sa lahat ng social activity.
Ang mga lumahok sa nasabing webinar, kinabibilangan ng tatlong police commissioned officers, 96 police non-commissioned officers at isang non-uniformed personnel mula sa limang police disricts sa NCR at Regional Mobile Force battalion.
Layon ng nasabing webinar para i guide ang mga participants sa existing laws and regulations on gender development and sensitivity para ma empower ang mga kababaihan na nasa police service ang kanilang kahalagahan sa organisasyon.
Kilala kasi si Danao na isang advocate ng equality kung saan kinikilala nito ang role ng mga kababaihan sa Police organization at kinikilala ang mga babaeng pulis na nage-excel sa kanilang trabaho.
Sa mensahe ni Danao kaniyang, binigyang-diin nito na dapat lawakan pa ang pag-iintindi sa gender issues at suportahan kung mga babaeng pulis ang nasa pwesto.
” Panatilihin ninyong maging matapat,matapang at may malasakit sa mamamayan. Ang inyong tapang at malasakit ay gawing sandata upang gabayan, tulungan at magsilbing boses ng mga kababaihan sa pamayanan. Asahan ninyo na ako ay laging nakasuporta sa pagsisilbi at pag protekta sa ating mga kababayan,” mensahe ni Danao.