-- Advertisements --

Pinaaalalahanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde ang publiko na epektibo na ngayong araw October 1, 2017 ang total election gun ban.

Ayon kay Albayalde na kapag total gun ban ang ibig sabihin nito ay wala ng sinuman ang pwedeng magbitbit ng armas sa labas ng kanilang mga bahay.

Suspendido na rin sa ngayon ang permit to carry firearms outside residence (PTCFOR).

Sa Metro Manila, ayon kay Albayalde simula alas-12:01 nitong Linggo ng madaling araw sinimulan na nila ang kanilang mga checkpoints sa iba’t ibang lugar.

Aniya, hindi lamang sa Metro Manila ang total gun ban kundi sa buong bansa.

Pahayag ni Albayalde na lalo pa nilang pinalakas ang mga checkpoints at palakasin ang police visibility sa buong bansa.

Nilinaw din ni Albayalde na bawal din ang pagbitbit ng armas ng mga uniformed personnel lalo na kapag hindi naka duty ang mga ito.

Aniya, walang exempted sa gun ban.

Epektibo ang gun ban simula October 1 hanggang October 30,2017.