-- Advertisements --
Sinas ncrpo bilibid

Dismayado si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas sa mga panibagong nadiskubre na mga iligal na kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay matapos magsagawa kahapon ang NCRPO ng Oplan Galugad katuwang ang Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng national penitentiary.

Ayon kay Sinas may mga nakuha pa ring iligal na droga sa loob ng Bilibid tulad ng marijuana, shabu, cocaine at party drugs.

Paliwanag pa ni Sinas, target kasi nila na makuha ang mga cellphone mula sa mga inmate dahil batay sa impormasyon, tuloy pa rin ang transaksyon ng mga sindikato ng iligal na droga mula sa mga inmate.

Gayunman, pitong cellphone lang ang kanilang nakuha dahil may ilang nakapagtimbre na sa kanilang ginawang operasyon.

Dagdag pa ni Sinas, may mga nakuha ring ipinagbabawal na mga kagamitan tulad ng mga alak, sigarilyo, patalim at mga highly combusted materials tulad ng gasolina.

Maliban dito, may nakuha ring pera, baraha, sex toys, appliances, alahas, gamit sa pagta-tattoo at mga hand tools tulad ng lagari, martilyo, liyabe at iba pa.

Bilibid Bantag Sinas