-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang ang pagtatala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NCRPO chief Debold Sinas bilang bagong PNP chief kapalit ni Gen. Camilo Cascolan na nakatakdang magreretiro bukas, Nobyembre 10.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang pamumuno ni Major Gen. Sinas bukas din hanggang Mayo 2021.

Kung seniority ang susundin o ang rule of succession, si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang number two man ng PNP.

Hindi pa naman nasabi ni Sec. Roque kung anong mga kwalipikasyon ang pinagbatayan ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga kay Sinas bilang bagong PNP chief.

Si Gen. Sinas ay naging kontrobersyal sa kanyang mañanita noong araw ng kanyang kaarawan habang ipinaiiral ang lockdown kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sa kabila ng umano’y paglabag sa quarantine protocols, idinepensa naman ni Pangulong Duterte si Sinas.