Umaasa si NCRPO Chief Maj. Gen. Debold Sinas na makapag-moved on na ang kaniyang bashers hinggil sa kaniyang kontrobersiyal na May 8 birthday gathering na lumabag sa quarantine protocols.
Dinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sinas at sinabing hindi nito sisibakin sa pwesto dahil lamang sa mañanita.
Sinabi ng Pangulo isang magaling na opisyal si Sinas.
Lubos naman ang pasasalamat ni Sinas kay Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na tiwala at kumpiyansa sa kaniyang pamumuno.
“I’d like to thank the President for the trust and confidence. Thank you po, Mr. President at na-recognize niyo po ako, ako po ay talagang natutuwa na the President has recognized our effort,” pahayag ni Sinas.
Sinabi ng Heneral nakapag moved on na siya sa insidente kaya dapat mag move-on na rin ang kaniyang mga bashers.
Aminado si Sinas na talagang nagkamali sila pero hindi ibig sabihin na iiwan na nila ang kanilang trabaho.
Aniya, tuloy tuloy pa rin ang kanilang trabaho lalo na sa pagpapatupad ng batas partikular ngayong umiiral pa rin ang modified enhanced community quarantine.
Ayaw na rin ni Sinas na manisi ng sinuman hinggil sa insidente.