-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ni NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang ispekulasyon na lalakas ang iligal na sugal tulad ng jueteng sa pagpasara sa mga gambling operations ng PCSO.
Ayon kay Eleazar, mas pabor pa nga sa kampanya kontra jueteng ang pagpapatigil ng small town lottery dahil nagsisilbi itong front para sa jueteng.
Karamihan aniya sa mga nahuhuli nilang kubrador ay nagpapakita lang ng ID na sila ay ahente ng STL.
Sinabi ni Eleazar may ilang pagkakataon pa aniya na ang mga pulis ang nakakasuhan dahil sa paghuli ng mga suspected jueteng collectors na nagtatago sa likod ng PCSO gambling operations.
Giit ni Eleazar, ngayong wala nang STL mas madali ng hulihin ang mga kubrador ng jueteng.