-- Advertisements --
Ipinag-utos sa mga kapulisan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pairalin ang maximum tolerance sa pagtugon sa mga nagwewelgang mga tsuper at operators ng dyip.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang transport strike sa pangunguna ng grupong Manibela na nagsimula nitong Lunes, Marso 24 at magtatagal hanggang bukas, Marso 26.
Kaugnay din nito, nagpakalat ang NCRPO ng 8,000 kapulisan para i-secure ang converging points at transport strike sites sa rehiyon.
Inatasan din ni NCRPO Director Police Brig. Gen. Anthony Aberin na igalang ang karapatan ng mga nagpo-potesta na nagtitipun-tipon at nagpapahayag ng kanilang mga hinaing.
Pinaalalahanan din ng police official ang mga ito na sundin ang batas at igalang ang mga karapatan ng ibang tao.