-- Advertisements --

Handa na ang NCRPO sa pagbibigay ng seguridad para sa pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato sa Biyernes.

Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, magpapakalat sila ng pulis sa mga campaign events upang matiyak ang kaayusan. Hinimok niya rin ang mga kandidato na ituon ang kampanya sa plataporma at makipagtulungan sa pulisya.

Mahigpit ding binabantayan ang mga lugar na may matinding tunggalian sa politika, habang patuloy ang koordinasyon sa Comelec para sa seguridad.

Saklaw rin ng plano ang Semana Santa, lalo na ang pagbiyahe ng mga bakasyunista. Tatagal ang kampanya hanggang Mayo 10, maliban sa Abril 17-18 bilang paggalang sa Mahal na Araw.