-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na kanilang aarestuhin ang sinumang lalabag sa ipatutupad na community quarantine.

Ayon kay NCRPO Chief MGen. Debold Sinas sapat ang kanilang pwersa para hulihin ang mga pasaway.

Mahigpit na seguridad ang paiiralin ng pamunuan ng NCRPO sa mga ilalatag na border checkpoint sa Metro Manila.

Naglatag na rin ng kanilang plano ang pamunuan ng NCRPO habang pinaplantsa pa ang guidelines sa community quarantine.

Ayon kay Sinas ang kanilang inilatag na plano ay subject for approval ng DILG at ng PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Sinabi ni Sinas, land travel ang tututukan ng mga pulis sa lockdown sa Metro Manila partikular sa mga checkpoints.

Simula sa Linggo March 15,2020, land, air, sea travel palabas at papasok ng Metro Manila ay suspendido na rin.

Paglilinaw ng heneral lahat ng domestic flights lamang ang suspendido.

Maglalagay din aniya sila ng mga designated areas para sa mga exempted sa pagpasok at paglabas ng Metro Manila.

Tiniyak ni Sinas ang delivery ng mga goods at mga basic services ay hindi nila pipigilan.

Maglalagay din ng exit at entry point sa ilang probinsiya.

Babala naman ni Sinas sa mga lalabag sa community quarantine, hindi mag aatubili ang mga pulis na arestuhin ang mga ito.

Nasa 26,000 police personnel ng NCRPO ang idedeploy sa mga itatalagang checkpoints partikular sa mga boarders ng NCR.

Aminado rin si Sinas na kanila ng inaasahan ang mass exodus sa nakatakdang community quarantine dahil ang mga hindi nakatira dito sa Maynila ay talagang uuwi ng probinsiya.

Payo ni Sinas sa publiko na huwag ng hintayin na wala na silang masakyan at maabutan na ng lockdown.