Hihigpitan pa ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang seguridad sa ikalawang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte bukas, kahit walang direktang namomonitor na banta ang mga otoridad.
Layon nang paghigpit ng seguridad ay kasunod sa serye ng mga pag-aatake na inilunsad ng komunistang grupo sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde na mayroon silang ipinatupad na security protocols para sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta bukas.
Sinabi ni Albayalde, batay sa kanilang pagpupulong sa mga lider ng militanteng grupo, nakiusap ang PNP sa mga ito na bantayan ang kanilang hanay sa posibilidad na baka malusutan ang mga ito ng mga indibidwal na may layon na manggulo.
Aminado ang heneral na nagkakaproblema ngayon sa peace talks sa CPP-NPA-NDF lalo na ang pagkansela ng Pang Rodrigo Duterte ang back channel talks sa komunistang grupo.
Dahil dito, kailangan na mahigpit ang pagbabantay ng PNP sa hanay ng militanteng grupo.