-- Advertisements --
Mas pipiliin pa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas na hindi na magtatalaga pa ng mga kapulisan sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa para bantayan ang mga preso.
Sinabi nito na iba ang trabaho ng kapulisan sa Bureau of Corrections (BuCor) jail officers.
Hindi aniya sinanay ang mga kapulisan sa pakikipagsalamuha sa mga inmates.
Magugunitang nasa 500 na kapulisan sa NCRPO na itinalaga sa NBP ang tinanggal matapos na mahulian na nagpupuslit ng mga kontrabando.