-- Advertisements --
Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde na isinailalim na nila ngayon sa “high security threat” ang kalakhang Maynila.
Ito’y kasunod sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatupad na unilateral ceasefire sa komunistang grupo.
Ayon kay Albayalde, na mataas an ang threat alert sa Metro Manila kung katay kailangan nilang itaas ang alert status.
“We are in full alert status. The Threat alert in Metro Manila is still high,” wika ni Albayalde.
Hindi naman dini-discount ng NCRPO ang posibilidad na maglunsad ng pananabotahe sa Metro Manila ang mga rebelde at bandidong grupo.
Sinabi ng heneral na mas mainam na maging handa sila para maiwasan ang anumang mga banta ng kaguluhan.