-- Advertisements --

Magdedeploy ng mga sasakyan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para mag-alok ng libreng sakay sa mga komyuter na apektado ng tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela simula ngayong araw ng Lunes, Marso 24.

Sa isang statement, sinabi ni NCRPO spokesperson Major Hazel Asilo na magde-deploy din ang iba’t ibang local government units, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang mga asset para maghatid ng mga apektadong komyuter.

Kasabay nito, sinabi ni Asilo na may 8,000 tauhan, kabilang ang halos 2,500 mula sa Civil Disturbance and Management unit, ang ide-deploy.

Kinumpirma ng MMDA na mayroon itong naka-preposition na mga sasakyan para sa libreng sakay sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU.

Sinabi ng MMDA na susubaybayan nito ang welga sa pamamagitan ng command center nito, na konektado sa mga closed-circuit television camera (CCTV) sa buong Metro Manila.

Ang libreng sakay ay isasagawa aniya kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkagambala sa kita ng mga jeepney driver na hindi sumali sa welga.