-- Advertisements --

Magtatalaga ng “firecracker zones” ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang NCRPO sa mga barangay sa Kalakhang Maynila para sa itatalagang firecracker zones.

Ayon kay NCRPO chief P/Dir. Guillermo Eleazar na mahalagang matukoy ng mga barangay ang “firecracker zone” nang sa gayon, maaga pa lamang ay mabatid na ito ng publiko.

Sinabi ni Eleazar na layon nang pagtalaga ng “firecracker zone” ay para maiwasan ang pagpapaputok sa mga residential areas lalo na sa mga lugar na hindi pinahihintulutan.

Binigyang-diin ni Eleazar na dapat sumunod ang mga residente kapag nagpatupad ng total firecracker ban sa mga siyudad at barangay.