Binigyan ng siyam na bagong evidence storage vaults ng Philippine National Police (PNP) ang NCRPO, para mapalakas pa ang capability nito sa pagresolba sa mga krimen.
Mismong si PNP chief Gen. Debold Sinas ang nanguna sa turn over ng vaults.
Gagamitin ito para pag-preserba at pag-secure sa physical evidence lalo na sa illegal drugs at firearms.
Lubos naman ang pasasalamat ni Danao kay Sinas dahil malaking tulong ito lalo na sa pagtago ng mga nakuhang ebidensiya.
Bawat pinto ng evidence storage vault ay mayruong tatlong padlock hasps, imported dial combination lock, anim na adjustable shelves with stiffeners for extra support at storage handle.
Sa ngayon ang Northern Police District at Quezon City Police District ay mayroong kahalintulad na evidence storage vault.
“It is a fact that for a case to prosecute and suspects are convicted, every piece of evidence needs to be properly collected and preserved so that it may one day be acceptable in court,” wika ni Danao.
Dagdag pa ni Danao, mahalaga ang nasabing vault lalo na sa kaso ng illegal drugs para maiwasan na may nawawalang ebidensiya o nai-recycle.