Walang balak si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na sibakin sa pwesto sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde at Manila Police District (MPD) chief, C/Supt. Joel Coronel, kasunod ng mga serye ng pagsabog sa Quiapo, Maynila.
Paliwanag ni Dela Rosa, na magkaiba ang kaso nila Albayade at Coronel sa dalawang naunang sinibak na opisyal, dahil hindi maituturing na terror attacks ang naganap sa Quiapo.
Ayon kay PNP chief, hindi nagkulang si Albayalde at Coronel sa kanilang tungkulin dahil hindi kasama sa intelligence gathering ang pagtutok sa mga personal na alitan o away.
Gayunpaman, pinaalalahan ni Dela Rosa si Albayalde at Coronel, na magsumikap sila, kasabay ng pag-aabiso sa mamamayan na asahan ang mas mahigpit na seguridad na ipatutupad sa Quiapo area, kasunod ng insidente.
Ang unang insidente sa Quiapo ay naganap noong Abril 28 ay sanhi ng gang war, habang nitong pinakahuling pagsabog ay tila may personal umanong motibo kung saan specific target ang BIR examiner na si Atty. Nacer Abinal.
Nitong weekend, sinibak ni Dela Rosa sa pwesto ang provincial director ng Cagayan province at regional director ng PRO-2 kaugnay ng mga pag-atake ng NPAÂ sa Amulong, Cagayan at sa Maddela, Quirino.