(Update) Nasa 200 checkpoints ang sinet-up ng Philippine National Police (PNP) sa mga borders ng Metro Manila at maging sa labas ng rehiyon kaugnay sa paghihigpit dahil sa nakakamatay na virus ang COVID-19.
Ayon kay PNP acting spokesperson Maj. Gen. Benigno Durana Jr., batay sa ulat ng Command Center sa National capital Region Police Office (NCRPO) nasa 47 checkpoints ang kanilang na-establish.
Sinabi ni Durana, bukod sa NCRPO ang iba pang regional police offices gaya ng Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Central Luzon ay nagpatupad din ng checkpoints sa kanilang mga areas of responsibilities.
Nasa 2,000 personnel mula sa NCRPO ang nagmamando ngayon sa mga checkpoints sa kalakhang Maynila.
Sinabi ni Durana ang PNP-Aviation Security Group (Avsegroup) naman ang itinalaga na manguna sa border control sa mga airports.