Nanawagan at umaapela si NCRPO chief MGen.Debold Sinas sa publiko lalong-lalo na sa mga militanteng grupo na iwasan na magsagawa ng protesta ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.
“We urge our people to keep themselves safe by staying at home and refrain from being on the roadside in order to prevent the spread of the highly contagious virus”, wika ni MGen. Sinas.
Ang pahayag ni Sinas ay kasunod ng isinagawang noise barrage ng grupong Kadamay kahapon sa may Sitio San Roque, Brgy Pag-asa, Quezon City.
Nasa 60 na mga indibidwal ang nagtipon-tipon kahapon ng hapon sa pangunguna nina Ricky Indicio, Inday Bagasbas at JM Atienza na lider ng grupong Kadamay.
Karamihan sa mga sumama sa protesta ay mga residente ng Sitio San Roque.
Ipinaaabot ng grupo na hindi sila pabor sa umiiral na quarantine dahil ang solusyon ay dapat magsagawa ng mass testing para sa Covid 19.
Matapos ang 45 minuto agad nag dispersed ang grupo.
Babala ni Sinas sa mga lalabag ay kanilang ipatupad ang batas.
“It is our mandate to maintain order and peace but when peace is breached during protests, we are ready to apply the rule of law”, pahayag ni Sinas.