-- Advertisements --

cpnp3

Naka-alerto ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng paggunita sa ika-49th anniversary ng Martial Law at sinigurong nakahanda sa anumang mga posibleng insidente na mangyari.

Halos 4,000 police personnel ang ipapakalat ng NCRPO sa limang police districts sa Metro Manila.

Layon nito matiyak ang kaligtasan at seguridad sa kalakhang Maynila kasunod ng kaliwat kanang kilos protesta na ilulunsad ng ibat ibang grupo at mga coalitions sa kabila ng banta ng Delta variant.

Kaya nanawagan si NCRPO Chief MGen. Vicente Danao Jr. sa mga militanteng grupo na huwag nang magdaos ng mga rally gawin na lamang ito sa pamamagitan ng virtual o online.

Siniguro ni Danao na ang nasa 3,846 policen personnel ay nakahanda sa pagbibigay seguridad at pag kontrol sa anumang aktibidad na ilulunsad ngayong araw.

Bukod sa mga pulis, kasama din sa deployment ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion.

Sa gitna ng Covid-19 Delta variant surge sa bansa, kinumpirma ng militanteng grupo na magsagawa sila ng Kilos protesta para gunitain ang anibersaryo ng namayapang diktador Ferdinand Marcos ng magdeklara ito ng Martial Law nuong September 21,1972.

Itinuturing din itong darkest years of post-colonial Philippines kung saan talamak ang pang-aabuso sa karapatan ng tao, nagkaroon ng extreme military rule at media suppresion.

Sa paggunita ng ika-49th Martial Law anniversary, nananawagan din ang militanteng grupo, coalition groups na makiisa sa kilos protesta at ipakita ang kanilang pagkagalit sa diktadurang si Pang. Rodrigo Duterte.

Paalala naman ni Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga makiisa sa kilos protesta na magsuot ng mga face masks, dalhin ang face shields na simbolo ng kapalakan ng Duterte government at simibolo ng korupsyon.

Ayon sa grupo, gagawin ang kilos protesta sa Liwasang Bonifacio sa siyudad ng Manila mula 4 p.m. hanggang 6 p.m.

Sinabi naman ni Sanlakas secretary-general Aaron Pedrosa may grupo na mag marcha mula Taft Avenue patungong Liwasang Bonifacio.

Magkakaroon din ng paggalaw sa ibang banhagi ng bansa sa pag gunita ngayong araw September 21 ang tinawag nilang national day of protest.