-- Advertisements --
guia gomez castro
Guia Castro

Ikinatuwa ng liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkansela ng US visa ng umano’y drug queen na si Guia Gomez-Castro.

Itoy matapos hilingin ng Philippine government sa Estados Unidos na kanselahin ang visa nito.

Sa panayam kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang foreign counterparts para mai-deport pabalik ng bansa si Castro.

Ayon kay Eleazar kasama ni Castro sa US ang asawa na si Dennis at ang kapatid na dating pulis na si Florencio “Bumbo” Gomez.

Inihayag ni Eleazar nakuha nila ang nasabing impormasyon mula sa binuong “Quad intel force” sa Metro Manila na binubuo na iba’t ibang law enforcement agencies na target ang mga illegal drug syndicates na nag-o-operate sa rehiyon.

Nagbabala naman si Eleazar sa mga indibidwal na nagbibigay proteksiyon kay Castro na sasampahan din sila ng kaso na “harboring of criminals.”

Sa ngayon nagsasagawa na rin ang NBI ng financial investigation at aalamin ang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) at makipag-ugnayan sa BIR.