-- Advertisements --

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) pa rin ang may pinakamaraming naitatalang COVID-19 cases sa PNP.

Ito ay batay sa datos na inilabas ni Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar.

As of January 26, 2021, nasa 9,956 ang kabuuang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Sa bilang na ito NCRPO ang may maraming naitalang kaso na umaabot sa 2,822 COVID-19 cases kung saan 82 rito ay active cases.


Sinusundan naman ito ng National Support Unit ang may pinakaraming kaso ng COVID na aabot sa 2,777 pero nasa 136 lamang ang active cases.


Pangatlong may pinakamaraming pulis na nagka COVID-19 ay ang PNP CALABARZON na mayroong 719.

Paliwanag ni Eleazar sa NCR ang pinakasentro ng Coronavirus kaya inaasahan nilang dito ang maraming nagpopositibo.

Samantala good news naman dahil sa batay pa sa ulat ni Eleazar may 41 PNP personnel ang gumaling kahapon sa COVID-19 kaya umaabot na sa 9,355 ang kabuuang recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 28 ang nasawing Pulis dahil sa Covid-19.