-- Advertisements --

Eleazar 1
NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Nasa full alert status ngayon ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng twin bombing incident sa Indanan, Sulu nuong Biyernes na ikinasawi ng walong indibidwal kabilang ang tatlong sundalo habang nasa 20 ang sugatan.

Ilang oras matapos ang insidenteng pagsabog, agad na isinailalim sa full alert ang kalakhang Maynila ni NCRPO chief MGen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, asahan na rin ng publiko na maghihigpit ng seguridad ang PNP lalo na sa mga vital installations at sa mga places of convergence.

Nilinaw naman ng heneral na ang pagtaas nila ang alerto ay hindi ibig sabihin na may natatanggap silang banta.

Giit nito wala silang namomonitor na banta sa seguridad.

Aniya, ito ay tugon lamang sa nangyaring pagsabog sa Sulu bilang kanilang proactive measure.

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang mga kapaligiran at agad ipagbigay alam sa pulisya kapag may napapansing mga suspicious looking persons.

Maaari din mag text ang publiko sa NCRPO hotlines 0915-88888181 at 0999-9018181.

Samantala, patuloy pa ring bina-validate ng PNP ang ulat na ang ISIS ang nasa likod ng panibagong pagsabog sa Indanan,Sulu.