Epektibo na ngayong araw ipinatutupad na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) lock down partikular sa kulungan na nasa loob ng Camp Bagong Diwa Taguig.
Ibig sabihin hindi na papayagan na tatanggap ng bisita ang mga preso.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng security measures na paiiralin ng NCRPO para sa promulgation ng Ampatuan massacre kung saan 32 journalists kabilang sa 58 na mga biktima na nasawi sa karumal dumal na patayan.
Nasa 197 mga akusado ang hahatulan bukas hinggil sa naturang malaking krimen.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac nasa full alert na ngayon ang NCRPO para matiyak ang seguridad na dadalo sa promulgation.
Ang Quezon City Police District (QCPD) ang magbibigay seguridad kay Judge Jocelyn Solis Reyes habang ang NBI ang magbibigay seguridad sa mga prosecutors.
Sinabi ni Banac nakalatag na ang security measures ng NCRPO sa pamumuno ni Brig. Gen. Debold Sinas.