Patuloy na maghahatid ng pinaigting na seguridad at police visibility ang National Capital Region Police Office sa mga train station sa Metro Manila.
Ginawa ng pulisya ang naturang pahayag bilang tugon sa mga krimen sa naitatala sa mga istasyon ng tren.
Batay sa datos ng National Capital Region Police Office, mula 2023 hanggang 2024, umabot sa 80 krimen ang naitala ng kanilang hanay sa MRT at LRT.
Sa isinagawang Bagong Pilipinas Media Forum, inihayag ni NCRPO Regional Dir. PMGen. Jose Melencio Nartatez na ang datos na kanilang natatanggap araw-araw ay masusi nilang bineberipika.
Nakatuon rin ang kanilang hanay sa bomb threat pati na sa mga insidente ng sexual harassment at pandurukot sa mga tren
Tiniyak nito na ang mga pulis sa NCRPO ay nananatiling proactive sa pagpapaigting ng kanilang presensya sa mga train station.