-- Advertisements --
Pinaalalaahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang pro-Duterte rallyist na dapat ay kumuha sila muna ng permit bago magsagawa ng pagkilos sa EDSA Shrine at EDSA People Power Monument.
Sinabi ni NCRPO chief PBGen Anthony Aberin , na inaashan na nila ang mga pagtitipon matapos ang pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Internatioanl Criminal Court.
Paliwanag naman nito na maaaring payagan ito kung sa Freedom Park gagawin ang pagtitipon.
Hindi naman maituturing na freedom parks ang EDSA Shrine at EDSA People Power Monuments.
Nakahanda aniya ang kanilang mga kapulisan sakaling mayroon magtangkang magsagawa ng kilos protesta sa nasabing mga lugar.