Nagtala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 17.04 percent na pagbaba ng krimen mula Nobyembre 2024 hanggang Marso 2025.
Sinabi ng NCRPO sa isang pahayag na bumaba ang focus crime incidents mula 1,837 mula Nobyembre 23, 2023 – Marso 2, 2024; sa 1,524 mula Nobyembre 23, 2024 hanggang Marso 2, 2025.
Kabilang sa mga focus crime ang murder, homicide, panggagahasa, physical injury, carnapping ng mga motorcycles at motor vehicles at pagnanakaw.
Iniulat din ng tanggapan ang pag-aresto sa 3,721 na mga indibidwal sa pamamagitan ng manhunt at warrant operations mula Nobyembre 23, 2024 hanggang Marso 2 ng kasalukuyang taon.
Samantala, pagdating naman sa kampanya laban sa loose firearms, iniulat ng NCRPO ang paghuli sa 796 na mga indibidwal dahil sa firearm-related violations sa 776 na operasyon, kung saan nasamsam ang 815 na iligal na mga baril.
Bukod dito, nakapagtala rin ang tanggapan ng 662,150 na mga lumabag sa mga lokal na ordinansa kung saan nakapagkolekta na P180,887,273 multa.