-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na maglaan ng libreng transportasyon para sa mga mananakay sa gitna ng umiiral na modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO chief Major Gen. Debold Sinas, kakausapin daw nito ang ilang mga bus companies kaugnay sa nasabing paksa.

“Mag-uusap ulit kami. Siguro nga i-consider namin kasi una massive respond deployment eh, dala ‘yung tao namin sa mga ano, mag-readjust ulit,” wika ni Sinas.

“Siguro gagawa rin kami kasi noong nakaraang MECQ, mayroon din kaming Libreng Sakay as directed by the chief PNP,” dagdag nito.

Sa ilalim ng MECQ, suspendido ang karamihan sa pampublikong transportasyon.

Kaya naman, napilitan ang ilang mga mananakay na maglakad ng ilang oras makarating lamang sa kani-kanilang mga opisina.