Mahigpit ang monitoring ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa kaniyang mga tauhan na naitalaga sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City.
Aabot sa 500 ang nasabing mga pulis na pansamantalang pupuno sa kakulangan dahil sa 300 tinanggal ni BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag.
Bahagi ng bilin ni Eleazar na huwag makikipag-usap ang NCRPO team sa mga bilanggo.
Layunin nitong maiwasan ang ugnayan ng mga nagbabantay sa mga inmate ng NBP.
Binigyan din ang mga ito ng ka-body na tauhan ng BJMP.
Ngayon ang unang araw ng nasabing team sa Bilibid at wala namang naitalang problema, base sa report na nakuha ni Atty. Wena Fe Dalagan, tagapagsalita ni DG Bantag.
Hindi pa masabi ng BuCor kung hanggang kailan mananatili ang pagbabantay ng mga pulis sa loob ng national penitentiary.