-- Advertisements --
Ang pagkakaroon ng propesyunal at mapagkakatiwalaang kapulisan sa National Capital Region ang nais na ipatupad ng bagong upong hepe ng ational Capital Region Police Office (NCRPO) na si Maj. Gen. Edgar Alan Okubo.
Sinabi nito na maaring negatibo ang paningin ng mga mamamayan sa kapulisan ng NCRPO kaya nais niya itong mabago.
Ang NCRPO aniya kasi ang bintana ng mga buong kapulisan dahil ito ay matatagpuan kung saan marami ang aktibidad na pang-ekonomiya.
Pagtitiyak niya na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng mapagkakatawilaang kapulisan.
Pinalitan ni Okubo si Maj. Gen. Jonnel Estomo na siyang bagong PNP Deputy Chief for Operations.