-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office ang sapat na bilang ng kanilang mga tauhan na naka deploy sa mga komunidad.

Ayon kay NCRPO Acting Director PBGen. Anthony Aberin target nilang maging visible ang kanilang mga tauhan sa mga lansangan at sa publiko.

Aniya, kabilang ito sa mga napag-usapan sa ginanap na 3rd Command Conference kung saan nilahukan ng Command Group, District Directors, at iba pang mga opisyal ng NCRPO.

Target rin ni Aberin na magkaroon ng mas makabuluhang community engagement ang kanyang mga tauhan sa buong National Capital Region.

Tiniyak rin ng opisyal ang pagkakaroon ng tamang bihis ng kanyang mga tauhan at paglalagay ng mga babaeng pulis bilang mga desk officers.

Pinapatiyak rin nito ang mas mahigpit na pagpapatupad ng operasyon laban sa ilegal na droga at ilegal na pagsusugal sa kanilang mga area of responsibility.

Kaugnay nito ay nanawagan ang opisyal sa kanyang mga tauhan na palawakin ng pagsasagawa ng counter-intelligence.