-- Advertisements --

lrt4

Nakahanda ng umasiste ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamunuan ng MRT 3, LRT 1, LRT 2 at PNR sa sandaling balik biyahe na ang mga ito.

Sa isinagawang simulation exercise ng NCRPO at ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA2) nakita na kailangan magkaroon ng adjustment lalo na sa gagawing mga pila ng mga pasahero para mapanatili ang physical distancing.

Sinabi ni Sinas hindi lamang sa loob ng mga train stations magkaroon ng mga bantay at maging sa labas ng istasyon kung saan mayroong mga pila.

Sa mga pila sa labas mga pulis na ang tutulong sa pagmamando nito.

Layon nito para natutupad ang mga health protocols.

lrt

Ipinakita din sa SIMEX kung paano lulugar ang mga pasahero at saan ang mga ito pupwesto para mapanatili ang social distancing.

Bago sumakay ng tren ang mga pasahero dapat naka face mask ang mga ito at kukuhanan sila ng temperature.

Nilinaw naman ni Sinas na ang ginawang simulation exercises kahapon sa LRT2 ay hindi hudyat na babalik na sa normal ang biyahe ng mga tren.

Giit ng heneral na wala pang guidance mula sa Inter-Agency Task Force at maging kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa.

lrt6

Samantala, sa panig naman ng pamunuan ng MRT-3 nakahanda na sila sa kanilang pagbabalik biyahe kasama ang pagpapatupad ng mga bagong coronavirus protocols dito sa Metro Manila.

Sinabi ng MRT-3 na nuon ay kayang isakay ng mga tren ang nasa 1,200 pasahero ngayon ay nasa 153 na lamang bawat biyahe para mapanatili ang 1 meter gap sa mga pasahero at maiwasan ang transmission ng virus.

Limitado din ang entry ng mga pasahero sa lahat ng mga train platforms.

Off-limit sa pagsakay ng tren ang mga buntis, mga edad below 21 years old at above 60 years old.