-- Advertisements --
Guillermo Eleazar
NCRPO chief Guillermo Eleazar

Kasado na ang ilalatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong magsisimula na ang “Ber” months o panahon ng paghahanda para sa Pasko.

Pinaalalahanan naman ni NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar ang publiko na mag-ingat sa mga kriminal na posibleng umatake at manamantala sa panahong ito.

Sinabi ni Eleazar, sa mga ganitong panahon aktibo ang mga kriminal lalo na sa mga malls, shopping centers at sa mga pampubliko at matataong lugar.

Inaasahan din ng NCRPO na tataas ang insidente ng mga petty crimes tulad ng snatching, holdup, at iba pa.

Tiniyak naman ni Eleazar sa publiko na lalong paiigtingin ang police visibility partikukar sa mga strategic na lugar.