Nais ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas na ma-sertipikahan na ng Department of Health (DOH) ang kanilang medical facilities na ginagamit ngayon ng mga pulis na infected ng Covid-19 virus.
Personal na hiniling ni Sinas ang mga DOH inspectors na bisitahin at inspeksyunin ang kanilang special care facilities para matiyak kung nasusunod ang mga standards sa Guidelines on Local Isolation and General Treatment Areas for Covid-19 cases (LIGTASCOVID) at ang Community-based Management of Mild COViD-19 Cases.
Ayon kay Sinas, mahalaga ang papel ng NCRPO Special Care Facilities para sa prevention, mitigation and containment ng Covid-19 outbreak sa mga pulis dito sa Metro Manila.
Siniguro din nito na ang NCRPO Regional Health Service ang siyang mag mantene sa mga nasabing facilities.
Dahil sa hiling ni Sinas agad namang nagsagawa ng inspection ang mga inspectors mula sa DOH sa pangunguna ni Ms. Andrea Quijencio, Mr. Kevin Rosales, Arch. Ramon Ivan, Mr. Gregory de Jesus at Arch. David Xavier Dado kasama ang mga opisyal ng NCRPO Regional Health Service nuong October 1.