-- Advertisements --

Walang ebidensiya na makakapagturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagsabog sa Quiapo noong Biyernes ng gabi na ikinasugat ng 14 na indibidwal.

Ayon kay National Capital Region Police (NCRPO) chief PDir. Oscar Albayalde na walang indikasyon sa mga ebidensiya na nakalap ang PNP na ang teroristang grupo ang nasa likod ng pagsabog.

Sinabi ni Albayalde na kanilang iniimbestigahan ngayon ang claim ng ISIS, pero sa ngayon paghihiganti ang isa sa mga motibo na kanilang tinitignan batay sa mga ebidensiya at imbestigasyon ng Manila Police District (MPD).

Napag-alaman na inako umano ng teoristang ISIS na sila ang  responsable sa Quiapo explosion.

Aniya, madali lamang ang mang-ako at may mga insidente na rin na kini-claim ng ISIS na sila ang may kinalaman sa mga insidente ng sa gayon patuloy silang marecognized.

Una ng sinabi ni Albayalde na ang nangyaring pagsabog sa Quiapo ay dahil sa awayan ng dalawang grupo o gang war.

Ibinunyag din ng heneral maraming insidente na rin sa Quiapo na nakarekober sila ng mga pipe bomb.

Sa ngayon may mga persons of interest nang tinukoy ang pulisya kaugnay ng Quiapo explosion.