-- Advertisements --

Naghahanda na ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pagpapatupad ng Republic Act 10868 o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016.

Simula kasi sa January 2025 ay hahawakan na ng komisyon ang pagpapatupad sa Centenarians Law, ang batas na nagbibigay ng sapat na benepisyo sa mga nakakatanda.

Maliban sa lumang Centenarians Law, pangungunahan na rin ng komisyon ang pagpapatupad sa Republic Act 11982 o ang Expanded Centenarians Law.

Sa ilalim ng 2016 Centenarians Law, pinagkakalooban ang mga senior ng hanggang P100,000 cash kapag naabot nila ang edad na 100.

Sa ilalim naman ng Expanded Centenarians Law, mabibigyan ng P10,000 cash ang mga senior na umabot na sa edad na 80. Panibagong P10,000 kapag naabot nila ang 85, 90, at 95.

Kapag umabot na sa 100 ang edad, makakatanggap na ang mga ito ng P100,000 cash.

Tiniyak naman ng ahensiya ang maayos transition sa pagpapatupad sa mga naturang batas na kasalukuyang pinapangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).