-- Advertisements --

Nakatakdang pumasok sa South Korean military si Taeyong ng K-pop group na NCT.

Ayon sa ahensiya nito na magsisimula ang kaniyang military enlistment sa buwan ng Abril.

Ang 28-anyos na si Taeyong ay nagpa-enlist sa Navy bilang aktibong duty soldier.

Nasa batas kasi ng South Korea na ang mga kalalakihan na mayroong edad 18 pataas ay dapat pumasok sa mandatory military training .