-- Advertisements --

Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa third-quarter online simultaneous nationwide earthquake drill sa Setyembre 9, 2021.

Ayon kay NDRRMC deputy spokesperson Mark Timbal, alas-9:00 ng umaga gagawin ang ceremonial pressing of button.

Magkakaroon din ng webinars sa iba’t-ibang sektor kabilang na sa mga kabataan, urban poor, manggagawa at micro, small ang medium enterprises (MSMEs).

Sinabi ni Timbal, maaari itong matunghayan sa Facebook page ng NDRRMC at Office of Civil Defense kung saan maaari ring sumabay ang publiko sa pag-duck, cover and hold.

Samantala, suspendido pa rin ang evacuation drills at simulation scenarios dahil sa COVID-19 pandemic.