Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tumutugon sila sa mga panawagan na rescue sa gitna ng mga pagbaha na dala ng bagyong Ulysses.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal nakapag-deploy na sila nang Coast Guard team kasama ang mga rescue boats kanina pang madaling araw.
Sinabi rin nito na marami silang natatanggap na mga tawag mula sa mga residente na apektado ng pagbaha.
Umaapela din si Timbal sa mga apektadong residente na habaan ang kanilang pasensiya at maghintay ng kaunti dahil minamadali nila ang ibang rescue operations.
Nagdala ng grabeng pag-ulan at malakas na hangin si bagyong Ulysses na biyang dahilan ng pagbaha sa Bicol Region, Quezon Province, Cavite, Metro Manila, lalawigan ng Rizal at iba pa.
Dagdag pa ni Timbal na tumutulong sa kanila ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, NDRRMC at iba pang government agencies sa gagawing rescue operations.