-- Advertisements --

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na nakahanda na rin ang kanilang emergency and response cluster para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Nagpulong ngayong araw ang mga ahensya ng pamahalaan na kasapi NDRRMC kung saan pinlantsa ang ipatutupad na mga paghahanda para sa emergency and response sa opening ceremony sa November 30.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, all systems go na ang kanilang hanay para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga atleta gayundin ng mga dadalo sa iba’t ibang sporting events.

Umaasa ang opisyal na magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng SEA Games sa Pilipinas nang walang naitatalang anumang trahedya sa panahon ng nasabing okasyon.