Ibinunyag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa mahigit P1-bilyon ang ginastos ng pamahalaan para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa isang panayam, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na siya ring nakaupo bilang administrator ng Office of Civil Defense, na nasa pangangasiwa ng OCD ang logistics at sustainment ng mga quarantine facilities, kasama na ang Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, at ang Philippine Arena.
Ayon kay Jalad, bukod sa mga COVID-19 patients, ang OCD din ang may hawak sa pangangalaga ng mga healthcare workers, lalo na sa kanilang accomodation sa mga hotel.
Samantala, umabot na sa P34-milyon ang mga donasyon mula sa pribadong sektor at mga non-government organizations.
Paglalahad pa ni Jalad, nagbigay din ang ibang mga bansa ng medical supplies, equipment, at personal protective equipment (PPEs).