Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan at mga residenteng nakatira sa lugar na may bagyo na maging alerto.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, dapat huwag magpakakampante at kailan pa rin ng ibang paghahanda.
Sinabihan din ni Jalad ang mga local disaster risk reduction and management council at iba pang ahensya na patuloy na magpakalat ng mga babala.
Kaugnay nito, sinabi ni Jalad na patuloy silang magpapadala ng text warning at abiso na rin sa mga media outfit.
Base sa datos mula sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa 3, 076 barangays ang natukoy nilang landslide at flood prone areas mula sa iba’t- ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.