Inalerto ngayon ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Coucil (NDRRMC) ang kanilang mga regional at local counterparts sa magiging epekto ng bagyong Bising.
Batay sa inilabas na statement ng NDRRMC, ipinag-utos ng ahensiya sa kanilang mga local counteparts ang risk communication activities, pagpapakalat ng warnings at advisories sa mga komunidad na sentro ng bagyo.
Maging ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA)
Sa meetings sa kabilang sa tinalakas ay respective Emergency Operations Center (EOCs) at pagsasagawa ng inventory ng resources for response; at preposition ng kanilang assets at rescue teams.
Layon ng NDRRMC na mabawasan ang casualties kapag pumasok na sa Philiipine Area of Responsibility ang bagyo lalo na at nananatili sa COVID -19 pandemic pa rin ang bansa.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, sa loob ng 24 oras ay inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at tutumbukin ang ilang lugar sa Mindanao.