Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga inilabas na bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Ulysses ng iba’t ibang mga ahensya ng gubyerno ay raw data pa lang.
Ayon Kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, kailangan pang iulat ang mga datos na ito sa local DRRMCs para sumalang sa beripikasyon bago ilabas sa opisyal na talaan ng NDRRMC.
Ang pahayag ni Timbal ay matapos na ilabas ng NDRRMC ang kanilang Ulysses situation report number 2 kung saan isa lang ang iniulat na namatay as of 5pm kahapon.
Magugunitang una na ring ipinaliwanag ng NDRRMC na kaya nahuhuli ang kabilang paglabas ng datos ay dahil ang mga iniulat na patay ay dumadaan sa validation na tinatawag na “Management of the Dead and the Missing,” na pinamamahalaan naman ng DILG cluster.
Sa ngayon, wala pang datos na ibinibigay ang NDRRMC hinggil sa bilang ng mga katao na naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Ayon naman kay NDRRMC Deputy Spokesperson Rachelle Anne Miranda ang mabagal na data ay matagal ng concern ng ahensiya, pero may mga proseso na sinusunod sa pag report ng mga datos lalo na sa fatalities at casualties.
“I think this is a long-standing concern and we do recognize the need to improve. However, national situational reports really take time to gather becausethese are not meant to be ‘real time’ reports. As we are familiar of the inter-agency reporting mechanism in the NDRRMC, the sitrep serves it purpose of providing an overall picture in a covered time,” mensahe pa ni Miranda.