-- Advertisements --

Nasa 179 rapid response team personnel ang nakatakdang ipapadala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na tutumbukin ng Bagyong “Ompong.”

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas, ang nasabing team ay binubuo ng mga tauhan ng Office of Civil Defense; Armed Forces of the Philippines; Philippine National Police; Department of Education; Department of Social Welfare and Development; Department of Health; Department of Public Works and Highways; at Philippine Communications Satellite Corporation na kasalukuyan nang naka-standby.

Ayon kay Posadas, ang nasabing team ang siyang kukuha ng mga impormasyon sa mga posibleng mga damages sanhi ng malakas na pag-ulan at hanging na siyang gagamitin sa pagtukoy sa mga priority areas na nangangailangan ng ayuda at relief operations.

Kinumpirma din ni Posadas na may naitala na silang mga lugar na nagsagawa na nag-pre-emptive evacuations sa Northern Luzon, lalo na sa mga lugar na may banta ng storm surge, landslide at pagbaha.